Waffle's World

Thursday, October 20, 2005

Nora Aunor nagpapabata?


Nora Aunor

Well, ang superstar na siyang pinakasikat noong mga 1970s, ay 50 years old na. Mayroon na siyang mga fine lines sa paligid ng kanyang mga mata, laugh lines sa paligid ng kanyang bibig, mga dark spots sa balat niya gawa ng allergy sa mga cosmetic na ginagamit niya. Kailangan na niyang paputiin ang mga dark lines sa leeg at kilikili niya.

Dahil dito nagpupunta siya for treatment kay Ellen Lising, may-ari ng Ellen’s Aesthetic Center sa Timog Ave., Quezon City. Si Lising, isang aesthetician, ay mayroon nang 20 years experience sa pagpapaganda ng mga kabababihan.

Sinabi niya kay Nora na magmumukha siyang 15 years younger kung susundin niya ang mga treatment na rekomendado para sa kanya. Isasailalim siya sa facials, laser treatment at micropeel treatment upang alisin and dead skin cells sa buo niyang katawan.

Ayon kay Lising naging mahirap ang pagsunod ni Nora sa mga treatment niya dahil malimit lumiban ang aktres sa kanyang mga schedule. “Kaya kalimitan ulit kami ng ulit sa mga ginagawa para sa kanya. We have to start from scratch again pag dumarating siya,” sabi ni Lising. “Kung gusto niya ng results, dapat maki-co-operate siya.”

Lising cannot make miracles. “I can only en-hance a woman’s beauty, make her look younger than her age, through facials and laser treatment. Pero walang perfect solution. Hindi ko maaalis ang mga linya sa mukha, but only to minimize them. Still and all I can bring back the bloom in a middle aged women.” Ang mga artistang naging customers na ni Lising ay tulad ng mga middle-age but beautiful Melanie Marquez, Alma Concepcion, Elizabeth Oropesa.

----

galing sa
http://www.philippinestoday.net/2004/August/ent-3_804.htm

0 Comments:

Post a Comment

<< Home